Saturday, June 9, 2012

SELOS SELOS :p June 10, 2012

First blog about my girl jollie chua =), almost 6 months na kami ni jelik ngayong june , syempre mahal na mahal ko  sya. palabas labas , kaen dito kaen dun, nuod sine, alam nyo na mga typical things na ginagawa ng mag bf at gf  ^_^.

super happy talaga ko kasama sya super happy kapag kasama ko sya. Kahapon maglilipat sila ng bahay (nanaman) pang 26 na daw nilang lipat eh.

Andun ako sa kanila tumutulong mag lipat ng mga gamit nya, daing gamit -_- haha lalo na mga damit ganun pala pag babae noh ang daing damit (pero lage nya sinasabe wala na daw sya masuot sad face pa) edi mga old stuffs nya mga book, lecture notes, kung anu anung mga sulat. ayun habang nag lalagay ng mga gamit nya sa box. nakita ko yung mga drawing na bigay sa kanya ng dati nyang admirer ang ganda eh kuhang kuha yung muka nya, ayun nakakaselos pala yun noh or mababaw lang ako mag isip?, sana kaya ko ding magdrawing ng ganun para itatabi nya din mga drawing ko =(. gusto ko lage sya kikiligin sakin. tapos may isa pa nakita ko dun may planner sya pero matagal na yun last year pa ata yun, planner ata yun ng ex nya? isang page lang naman may sulat. may sulat sya dun letter nya ata for him. sieettt sobrang nakakaselos nakakalungkot lang sana mas maaga ko syang nakilala para ako nalang naging bf nya tapos wala ng iba. syempre past na yun, past is past ^_^.

diko nalang pinahalatang nabasa ko yun sa kanya nakakaselos lang talaga -_-. alam ko namang love na love nya ko eh kaya nga dapat di ako magselos, very faithful kami sa isat isa. sana makaisip ako ng mga magagandang idea para kiligin sya. gusto ko kasi sya laging pakiligin eh.

kaya nga nagblog ako hoping na sana madai akong malagay dito =) na magaganda syempre eto panget pto about selos eh. yung mga next hopefully nakakakilig tapos papabasa ko to sa anniversary namin lahat lahat =).